Recent Posts

Breaking News

‘Nika’ out na; LPA posibleng maging bagyo

Umalis na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Nika pero posibleng ulanin pa rin ang bansa dahil sa panibagong low pressure area (LPA) na maaaring lumakas bilang tropical depression.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), namataan ang LPA sa east northeast ng Hinatuan sa Surigao del Norte.

Maaari itong maging bagyo sa susunod na 48 oras o dalawang araw.

“Sa Metro Manila ay expected na by Wednesday until Friday apektado tayo ng papalapit na weather system, at maghahatid ‘yan ng mga pag-uulan lalong-lalo na sa Huwebes kung saan expected na magho-hoist tayong tropical cyclone wind signal number one,” sabi ni weather specialist Joey Figuracion.

“Sa Legazpi pagdating ng Wednesday expected nga na apektado na ng magiging bagyo at magkakaroon din ng wind signal ang bahagi ng Bicol area. Sa Metro Cebu, although sa Southern Luzon inaasahan dadaan ‘yong track ng weather system o bagyo, maghahatid naman ito ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms by Wednesday,” dagdag niya.

Lunes ng hapon aniya lumabas ng PAR ang bagyong Nika, na mararamdaman pa rin ang epekto sa Luzon mula Lunes ng gabi hanggang Martes ng umaga.

The post ‘Nika’ out na; LPA posibleng maging bagyo first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nika-out-na-lpa-posibleng-maging-bagyo/)

Walang komento