Recent Posts

Breaking News

Nambatac, Mocon haharabas muli

Mga laro Linggo: (AUF gym)

4:00pm – Rain or Shine vs. NorthPort

6:45pm – Ginebra vs. Meralco

KUMUBRA ng back-to-back wins ang Rain or Shine sa unang dalawang laro sa PBA Philippine Cup restart, huling itinumba ang Terrafirma 91-82 noong Biyernes.

Sadsad naman sa unang dalawang subok ang NorthPort, huli nang isuko ang 110-105 loss sa Phoenix noong Huwebes.

Magtatagpo sa Smart 5G-powered AUF gym ang dalawa para sa magkasalungat na misyon – sa Elasto Painters para pinturahan ang pangatlong panalo at akbayan sa tuktok ng liderato ang TNT, sa Batang Pier para pumasok sa win-column.

Sa dalawang panalong ‘yun, sina Rey Nambatac at sophomore Javee Mocon ang nasa unahan ng atake ng Painters.

Tumabo si Mocon ng 25 points nang biktimahin ang San Miguel 87-83 noong Martes.

Kontra Dyip, si Nambatac ang nagsumite ng team-high 19 points, may double-double na 14 markers, 10 boards si Mocon at umayuda ng 14 at 8 si veteran big Beau Belga.

Mailap ang unang ‘W’ sa NorthPort sa kabila ng maangas na inilalaro nina Christian Standhardinger at Sean Anthony.

Kinapos ang 28 points, 11 rebounds si Standhardinger at triple-double na 23 points, 12 rebounds, 10 assists ni Anthony kontra Fuel Masters.

The post Nambatac, Mocon haharabas muli first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nambatac-mocon-haharabas-muli/)

Walang komento