Recent Posts

Breaking News

Nalalabing termino ni Duterte para sa mga kriminal

Magiging mahirap para sa mga kriminal ang natitirang dalawang taon sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang mensahe sa bayan nitong Miyerkules ng gabi, may himig pagbabantang inihayag ng Pangulo na tututukan niya ang mga kriminal na hindi tumitigil sa kanilang masamang gawain.

Muli aniyang nanunumbalik ang street crimes dahil sa unti-unting pagluluwag ng gobyerno mula sa ipinatupad na lockdown.

“I really intend to go hard within the last two years of my term pati itong mga kriminal. We have seen an upsurge of holdups, street crimes again it’s because of the liberality being offered by the opening of the economy,” anang Pangulo.

Binanggit din ng Pangulo ang mga naganap na pagpatay ng mga riding in tandem na tila ba napakadaling gawin ng mga ito.

Sinabi ni Pangulong Duterte na kailangang matigil ang mga ganitong krimen hanggat maaga pa para walang sakit ng ulo sa mga darating na panahon.

“Kailangan maayos ito para wala nang sakit ng ulo in the future, lalo na yung mga naka-motor. Kapag nakapatay sila, diretso sakay. I saw one footage, yung tinabihan lang,” kuwento pa ng Pangulo. (Aileen Taliping)

The post Nalalabing termino ni Duterte para sa mga kriminal first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nalalabing-termino-ni-duterte-para-sa-mga-kriminal/)

Walang komento