Recent Posts

Breaking News

Naimbyerna sa guard! Paolo Ballesteros nag-walkout sa taping

Nawindang ang production team ng bagong programa sa TV5 matapos na hindi tumuloy sa shooting ang kanilang main host na si Paolo Ballesteros.

Sa report ng Inquirer.net, dinetalye ang pag-walkout umano ni Paolo dahil sa naging insidente sa guard ng TV5.

Papunta na sana si Paolo sa studio ng ‘Bawal na Game Show’ nang harangin umano siya ng guard at pinapadaan siya sa ibang ruta na mas malayo.

Tinanggal pa ni Paolo ang kanyang face mask para makilala siya ng guard, ngunit nagmatigas ito at hindi pinadaan ang aktor sa hallway.

Dahil dito’y lumabas na lang daw si Paolo at hindi na tumuloy sa taping. Tinawagan ng crew ang ‘Eat Bulaga’ host ngunit hindi rin ito nakontak.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Paolo sa naturang walkout incident.

The post Naimbyerna sa guard! Paolo Ballesteros nag-walkout sa taping first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/naimbyerna-sa-guard-paolo-ballesteros-nag-walkout-sa-taping/)

Walang komento