Recent Posts

Breaking News

Nadal tuloy ang ragasa sa Paris

Hindi pa rin mabali ang record ni Rafael Nadal sa Roland Garros.

Tinalo ni Nadal si 19-year-old Jannik Sinner ng Italy sa straight sets sa 124th French Open quarterfinals na natapos 1:30 a.m. na ng Miyerkoles sa Paris.

Nanalo si Nadal 7-6 (4), 6-4, 6-1 para pahabain pa sa 13 ang record semifinals appearance.

Record din ang hawak ni Nadal bilang 12-time champion sa clay court grand slam tournament, 24-0 na siya sa semifinals at finals.

Haharapin ng Spaniard sa final four si 12th seeded Diego Schwartzman ngayong Biyernes.

Inari ni Nadal ang siyam sa unang 10 matches, pero nakaisaang Argentine sa huling pagtatagpo – noong nakaraang buwan sa clay din sa Rome.

The post Nadal tuloy ang ragasa sa Paris first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nadal-tuloy-ang-ragasa-sa-paris/)

Walang komento