Recent Posts

Breaking News

Mungkahi ni VP Leni sa COVID crisis, panis na – Roque

Walang bago sa mga mungkahi ni Vice President Leni Robredo kaugnay sa mga ginagawang hakbang ng gobyerno sa pagtugon sa COVID-19 crisis sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na matagal nang pinag-usapan sa Inter-Agency Task Force ang posibilidad na ikonsidera ang face to face classes sa mga lugar sa bansa na COVID-free .

Sinabi ni Roque na matagal nang nakaplano ito kaya dapat i-review ng Pangalawang Pangulo ang mga plano ng gobyerno para hindi nito inuulit-ulit.

“Sana i-review na lang ni Vice President kung ano iyong mga naiplano na ng gobyerno nang sa ganoon hindi na kailangan ulitin. Wala po kaming narinig na bagong suhestiyon galing kay VP Robredo,” ani Roque.

Nitong weekend ay iminungkahi ni Robredo sa Department of Education na ikonsidera ang face to face classes sa mga COVID-free na lugar sa bansa dahil magastos umano ang online classes at nabibigatan sa kanilang workload.

Sinabi naman ni Roque na matagal nang nakaplano ito at posibleng ipatupad ito sa January sa sandaling maideklara ang new normal sa mga lugar na hindi peligroso sa COVID-19.

“Kung nagbabasa lang si VP Leni ng balita, talagang kasama po iyan sa plano na magkaroon ng face to face sometime in January doon sa mga areas na madedeklarang new normal,” dagdag ni Roque.

The post Mungkahi ni VP Leni sa COVID crisis, panis na - Roque first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mungkahi-ni-vp-leni-sa-covid-crisis-panis-na-roque/)

Walang komento