Recent Posts

Breaking News

Moreno, Sotto malakas laban sa VP: Poe, Pacquiao, Go namumurong Pangulo sa 2022

Apat na senador ang pasok sa Top 5 ng lumabas na survey ng Pulse Asia para sa patok na Pangulo sa 2022.

Hindi pa nilalabas ang naturang survey sa mismong website ng Pulse Asia, ngunit kumalat na sa social media ang kopya ng resulta sa survey na ginawa umano mula September 14 hanggang 20.

Sa naturang poll, nangunguna sa balota ng mga Pinoy si Senadora Grace Poe, na humakot ng 25 porsyento sa tanong na kung sino ang iboboto ng madla kung ngayon ginawa ang 2022 elections.

Samantala, hindi naman nalalayo si fighting Senator Manny Pacquiao, na 23 percent ang nakuha, habang swak sa ikatlong pwesto ang dating top aide ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Senador Bong Go na may 20 percent.

Kumumpleto sa Top 5 sina Vice President Leni Robredo na may 10 percent, at si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson naman na nakakuha ng 8 percent.

Sa Vice Presidential race naman, milya ang ungos ni Manila Mayor Isko Moreno na may 35 percent mula sa mga respondent.

Lahat ng lugar sa ‘Pinas mapa-NCR, Balanced Luzon, Visayas at Mindanao ay nangunguna si Moreno, habang nasa ikalawang pwesto naman si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na may 19 percent.

The post Moreno, Sotto malakas laban sa VP: Poe, Pacquiao, Go namumurong Pangulo sa 2022 first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/moreno-sotto-malakas-laban-sa-vp-poe-pacquiao-go-namumurong-pangulo-sa-2022/)

Walang komento