Recent Posts

Breaking News

Minorya bukas kay Cayetano

Handang ibigay ni House Minority Leader at Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante ang kanyang posisyon kay dating speaker Alan Peter Cayetano kung nais umano ng huli na mapabilang sa minorya ng kapulungan.

Ipinahayag ito ni Abante sa tanong ukol sa posibilidad na pagsanib ni Cayetano sa minority bloc kasunod ng pagkaluklok ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco bilang bagong speaker.

“Of course, we welcome him on that and sa akin, if he is willing to get the minority leader position, I would be very glad to give that to him,” ayon kay Abante.

Ngunit naniniwala si Abante na malabo itong mangyari o maging interesado si Cayetano sa posisyon.

“I don’t think he will get that. From being the speaker of the House, he would like to be the minority leader. I have not yet heard any statement concerning that actually,” dagdag pa ni Abante.

The post Minorya bukas kay Cayetano first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/minorya-bukas-kay-cayetano/)

Walang komento