Recent Posts

Breaking News

Mga PBA player puwede sa vlog

Upang hindi masyadong maapektuhan sa kakaibang situwasyon at mapanghamong kundisyon habang nasa loob ng bubble, papayagang mag-vlog o video blog ang mga manlalaro ng 12 koponan sa restart ng 45th Philippine Basketball Assocation (PBA) Philippine Cup 2020.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, nais nitong maging kampante at maraming pagkakaabalahan ang mga player maliban pa sa ensayo at scrimmages upang hindi maramdaman ang mahigit dalawang buwang pananatili sa Clark Freeport Economic Zone sa Pampanga.

“Ang totoo, tinatanong nila ako kung puwede sila gumawa at magpost ng vlogs,” ani Marcial Martes. “Sinabihan ko na puwede naman sa kundisyon na dapat nilang sundin ang distancing.”

Maliban sa vlogging, inaasahan ding mas makakapaglagay ng kanilang mga litraro at masasayang sandali ang mga baller habang nasa bubble.

The post Mga PBA player puwede sa vlog first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-pba-player-puwede-sa-vlog/)

Walang komento