Recent Posts

Breaking News

Mga OFW malapit na payagan sa Middle East, UK

Ilang bansa na ang nagpeprepara na muling tumanggap ng mga foreign worker kasama na ang mga overseas Filipino worker (OFW).

Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) administrator Bernard Olalia, ang mga bansang kasama ay parte ng Middle East, pati na rin sa United Kingdom at Canada kung saan in demand ang mga healthcare worker.

“Kamakailan lang nag-anunsyo na ang Bahrain at ang KSA o Kingdom of Saudi Arabia na sila ay tatanggap na muli ng foreign workers, particularly ‘yung mga OFWs…. Ang trabaho na in-demand ay mga skilled workers natin,” ayon kay Olalia.

Ilan pang mga pwedeng applyan ng mga OFW ay sa Hong King, Brunei at Singapore.

“Sa ibang lugar, sa Cuba meron nang tinatanggap katulad ng construction workers,” lahad pa ng POEA administrator.

The post Mga OFW malapit na payagan sa Middle East, UK first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-ofw-malapit-na-payagan-sa-middle-east-uk/)

Walang komento