Recent Posts

Breaking News

Mga laro sa bubble kapaan lang – Ravena

Mga laro Linggo: (AUF Gym/Clark, Pampanga)
4:00pm — TNT vs Alaska
6:45pm – Ginebra vs NLEX

SALPUKAN ang Alaska Aces at nagbagong bihis na TNT Tropang Giga na kapwa matindi ang paghahangad makatikim muli ng kampeonato sa 2020 PBA Philippine Cup sa Angeles University Foundation (AUF) sa Clark, Pampanga.

Ganap na alas-4 ng hapon magsasagupa para sa unang panalo at pagsalo sa liderato ang Aces at Tropang Giga na kapwa matagal nakapaghanda sa pagsasagawa ng kanilang mga sariling programa at pagsasanay gamit ang iba’t ibang pamamaraan kahit na ang bansa ay nasa kalagitnaan ng pandemya.

Sumailalim pa ang Tropang Giga sa pagsasagawa ng sarili nitong pribadong bubble matapos na payagan ng Inter-Agency Task Force sa COVID-19 ang propesyonal na liga na makapagsagawa ng pagsasanay base sa inilatag na mga safety guideine at health protocol.

Ang Aces ay patuloy din ang naging paghahanda sa pagsasagawa ng koponan ng mga challenge para sa physical conditioning bago nagawang makapagsagawa ng pagsasanay sa loob ng court.

Tatlo ang makakasama na rookie ng Alaska na sina Kevin Barkley Ebona, Jaycee Marcelino at Reynaldo Publico habang isa lamang sa TNT Tropang Giga na si Kib Montalbo.

“Nangangapa lahat eh. Mahirap magsabi kung ano ang mangyayari sa mga laro lalo na ngayon na nasa bubble,” sabi ni TNT Tropang Giga coach Bong Ravena.

The post Mga laro sa bubble kapaan lang - Ravena first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-laro-sa-bubble-kapaan-lang-ravena/)

Walang komento