Recent Posts

Breaking News

Mga laro ni Kai ipapalabas sa ‘Pinas

Siniguro ni NBA Asia managing director Scott Levy na hindi titipirin ang mga Pinoy fan sa tatahaking landas ni Kai Sotto sa G League.

Ayon kay Levy, pambihirang oportunidad para sa mga Pilipino na mag-abang ng isang homegrown talent na may tsansang makatungtong sa NBA, kaya’y kanilang gagawin ang lahat para manatiling konektado si ‘Kaiju’ sa kanyang mga dan.

“For Filipino fans who love basketball at every level, whether it’s the UAAP or PBA, the G League presents another opportunity to follow a league which has an incredibly high level of basketball, and to have a local hero, like Kai Sotto,” saad ni Levy.

“We’re gonna do everything we can to make sure that his games are featured in the Philippines and people can follow him,” aniya pa, kung saan sinabi na magiging aktibo rin sa social media ang G League para sa mga update tungkol kay Sotto.

Nakatakdang mag-debut si Sotto para sa NBA G-League team na Ignite, kung saan makakasama niya ang isa pang dugong Pinoy at 2021 top prospect na si Jalen Green.

Saad ni Levy, ang tambalan ni Kai at Jalen sa NBA G League ay makatutulong din para mas lalong makilala ang developmental program ng NBA.

The post Mga laro ni Kai ipapalabas sa 'Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-laro-ni-kai-ipapalabas-sa-pinas/)

Walang komento