Recent Posts

Breaking News

Mga guro tinatawid ilog para sa learning module

Maraming kinahaharap na suliranin ang mga gurong Pinoy para makapamigay ng learning module sa kani-kanilang mga estudyante habang may distance learning kontra coronavirus.

Halimbawa na rito ang pagtawid ng mga ilog ng mga guro para marating ang Poonbato Integrated School sa Botolan, Zambales. Doon kasi ang pick-up point para makuha ang learning module para sa 236 mag-aaral na Aeta. Kukunin ito ng mga magulang at iuuwi para pag-aralan, sagutan, at ibalik matapos ang 2 linggo.

Ayon sa headteacher ng nasabing paaralan na si Bryan Jester Balmeo, sa Inquirer, pinakahirap sila sa komunikasyon dahil hindi anila pwede ang online teaching doon dahil sa kawalang-signal at internet connection.

May ilang guro pa na naglalakbay nang hindi bababa sa walong oras para makarating sa paaralan.

Hirap din silang gabayan ang mga magulang na karamihan ay illiterate at hindi kayang maturuan ang kanilang mga anak sa bahay.

Ngayong Lunes, Oktubre 5, nagsimula na ang balik-eskuwela sa mga pampublikong paaralan sa Pilipinas.

The post Mga guro tinatawid ilog para sa learning module first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-guro-tinatawid-ilog-para-sa-learning-module/)

Walang komento