Recent Posts

Breaking News

Mga bugok na pulis nakakapatay din ng drug suspek – Lacson

Bagama’t maaaring mga magkalabang sindikato sa droga ang nasa likod ng diumano’y extrajudicial killings (EJKs), hindi rin maitatanggi na may ilang tiwaling pulis na nagagawang pumapatay ng mga drug suspect, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

Ginawa ni Lacson ang reaksiyon matapos ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang pagpatay sa mga drug suspect ay hindi state-sponsored kundi nag-ugat sa away sa pagitan ng magkaribal na sindikato ng droga.

“That may be partly true,” reaksiyon ni Lacson sa pahayag ni Duterte.

“Just like different drug syndicates in other parts of the world, when their ‘business competition’ reaches ‘cutthroat levels’ they literally cut the throats of their competitors,” sabi pa ng dating Philippine National Police chief.

“However, it cannot also be denied that rogue members of the law enforcement resort to killing drug suspects for various reasons, as already validated when the Senate conducted inquiries some time ago,” dagdag pa nito.

Noong 2016, nagsagawa ang Senado ng imbestigasyon sa EJK sa pangunguna ni Lacson na siyang chairman noong ng Senate committee on public order and dangerous drugs.

Ang brutal na kampanya ng administrasyong Duterte sa iligal na droga ay umani ng malawakang pagpuna lokal man o internasyunal.

The post Mga bugok na pulis nakakapatay din ng drug suspek – Lacson first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-bugok-na-pulis-nakakapatay-din-ng-drug-suspek-lacson/)

Walang komento