Recent Posts

Breaking News

Mariano pakitang-gilas! Ginebra nilango NLEX

Matagumpay ang Ginebra San Miguel sa pagpagpag ng kalawang matapos ang pitong buwan na pahinga sa PBA.

Kahit wala ang kanilang dumadagundong na mga fan, nasungkit pa rin ng Ginebra ang panalo kontra NLEX Road Warriors, 102-92, Linggo sa unang araw ng PBA restart sa AUF Sports Arena, Pampanga.

Nagpamalas agad ng husay si Ginebra forward Aljon Mariano, na kumamada ng 20 points, kasama pa ang limang rebounds at apat na assists.

Samantala, nanatili ring hari ng rebound si Scottie Thompson para sa Ginebra na humakot ng 11 boards, sama pa ang 12 puntos at limang assists.

Naglaro din si Tinyente LA Tenorio na hindi naputol ang kanyang ‘Iron Man’ streak, ngunit limitado lang ang kanyang minuto lalo’t dalawang linggo pa lang ang dumaan matapos ang operasyon sa kanyang appendix.

Para sa NLEX, humarabas si JR QuiƱahan ng 26 points, ngunit napatalsik din sa laro dahil sa dalawang technical foul.

The post Mariano pakitang-gilas! Ginebra nilango NLEX first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mariano-pakitang-gilas-ginebra-nilango-nlex/)

Walang komento