Recent Posts

Breaking News

Makalipas ang 1 dekada: Lakers hari ng NBA!

Ika-17 kampeonato ng Los Angeles Lakers. Apat kay LeBron James. Isa kay Anthony Davis. Lahat para kay Kobe.

Isang dekada ang nakalipas bago muling mahawakan ng Lakers Nation ang Larry O’ Brien trophy, na tinuturing na ultimate tribute para sa pag-alala ng legacy ni ‘Black Mamba’ Kobe Bryant.

Sa Game 6 kontra Miami Heat, binuhos na lahat ng Lakers ang kanilang armas sa simula pa lang, umabante ng 64-36, ang pinakamalaking kalamangan ng isang koponan sa NBA Finals history matapos ang halftime.

Hindi na pinabayaan ng Lakers ang kalamangan, determinadong wakasan na ang matagal na pagkauhaw ng Los Angeles sa kampeonato.

At sa naturang championship, kasabay nito ang pagkuha ni LeBron sa kanyang ika-apat na NBA Finals MVP award na kanyang sinemento matapos ang triple-double performance na 28 points, 14 rebounds at 10 assists sa title-clincher.

Syempre’y malaking tulong din ang kanyang ka-tandem na superstar Anthony Davis, na bagama’t may iniindang injury ay nag-ambag pa rin ng 19 points at 15 rebounds.

Nalimitahan naman para sa Heat si Jimmy Butler, na nagbuslo ng 12 points, seven rebounds at eight assists matapos ang triple-double effort sa Game 5 kung saan wala pang isang minuto ang kanyang pinahinga sa bench.

The post Makalipas ang 1 dekada: Lakers hari ng NBA! first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/makalipas-ang-1-dekada-lakers-hari-ng-nba/)

Walang komento