Recent Posts

Breaking News

Mahigit 1 taong kinulong sa banyo ng mister, na-rescue

Nasagip ang 35-anyos na babae na isang taong ikinandado ng kanyang asawa sa loob ng banyo.

Hindi pinangalanan ang biktima, na may tatlong anak, na natagpuan matapos ang isa’t kalahating taon ng pagkakakulong sa Haryana, India, ayon sa ulat ng Hindustan Times noong October 15.

Maliban sa pagkulong sa kanya, hindi siya pinapakain at pinapainom nang maayos ng kanyang mister na kinilalang si Naresh Kumar.

Ilang araw na siyang hindi kumakain at nanghihina nang i-rescue sa Rishpur Village ng women protection officer na si Rajni Gupta kasama ang mga opisyal mula sa women and child welfare department matapos makatanggap ng report tungkol sa kalagayan ng biktima.

Ayon sa 17 taon nang mister ng biktima, mayroon umanong problema sa pag-iisip ang kanyang misis pero wala itong maipakitang anumang katunayan tungkol sa kanyang alegasyon.

Inaresto na si Kumar at kinasuhan.

The post Mahigit 1 taong kinulong sa banyo ng mister, na-rescue first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mahigit-1-taong-kinulong-sa-banyo-ng-mister-na-rescue/)

Walang komento