Recent Posts

Breaking News

Loyal na katulong binigyan ng bahay ni Dimples

May malaking regalo si Dimples Romana at asawa niyang si Boyet Ahmee para sa kanilang kasambahay nang 17 taon: ang sariling bahay nito.

Sa YouTube vlog ng aktres, Okotubre 16, pinakita ang house tour ng bagong bahay ni Ate Vilma.

Hindi alam ni Ate V na binili na nina Dimples at Boyet ang bahay; ang alam niya lang ay balak pa lang itong bilhin para maging paupahan at siya ang “approving committee” sa nasabing property.

“Sa totoo, siya talaga ang ‘nanay ng bahay’ namin, kasi most of the time, I’m not there. So, I really value her opinion,” kuwento ni Romana.

“Bihira tayong makahanap ng kasama sa bahay na we treat as family,” dagdag pa ni Boyet.

Nilantad din ni Dimples na sa 17 taon sa kanila ni Ate V, “may mga buwan na ‘yung suweldo niya came after seven months” pero nanatili pa rin sa kanila ang kawani.

Aprub naman si Ate V sa bahay. Habang nililibot nila ito, napadpad sila sa isang kwarto na may letter balloons na nagsasabing “Oo para sayo ito.” May standee rin doon ng kasambahay.

“Huy ano ba ‘yan! Bakit ako?,” bulalas ni Ate V. Nagkaiyakan na ang tatlo. “Maraming maraming salamat po!”

The post Loyal na katulong binigyan ng bahay ni Dimples first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/loyal-na-katulong-binigyan-ng-bahay-ni-dimples/)

Walang komento