Recent Posts

Breaking News

Liza Soberano NPA raw: Ogie bumira sa vlogger

Sunod-sunod na tweet ang pinakawalan ni Ogie Diaz laban sa vlogger na nag-akusa sa alaga niyang si Liza Soberano ng pagiging miyembro ng New People’s Army (NPA)

Kasunod iyon ng pagsasalita ng aktres sa isang online seminar ng Gabriela Youth kamakailan.

“Kapamilya actress Liza Soberano joins Gabriela Youth, a front of the Communists!” sabi sa description sa Youtube livestream ng isang Maui Becker, na may pamagat naman na “LIZA SOBERANO, MIYEMBRO NA NG NEW PEOPLE’S ARMY?”

Sa livestream Miyerkoles ng gabi, ipinakita ng vlogger ang bahagi ng naging speech ni Liza kung saan nagsalita ito tungkol sa karahasan laban sa kababaihan at kabataan.

“I was afraid that people would judge me. They would say what do I know, I’m just a girl, I’m just an actress,” sabi ni Liza sa seminar.

Bilang tugon sinabi ni Maui na, “Eh ngayon mukhang wala kang alam na ‘yung Gabriela ay salot sa lipunan, miyembro ng mga terorista at komunista, rebelde, NPA, front ng NPA. At wala kang ka ide-ideya. E kung ganyan na wala kang kaalam alam Liza, e manahimik ka. At hands off our children, Liza, you stupid b****.”

Maraming netizen sa comment section ang dumepensa kay Liza at sinabing red-tagging ang ginawa ng naturang vlogger at maaaring kasuhan, kung saan nag-trending pa ang #DefendLizaSoberano.

Nagpasalamat naman si Ogie sa mga nagtanggol kay Liza habang nagpatama siya sa vlogger.

“Maraming salamat sa lahat ng pumupuri sa pagpoprotekta ni Liza Soberano sa mga kababaihan at kabataan. Ganon talaga ang may tunay na malasakit sa kapwa,” ani Ogie.

“Bago mag-redtag, pa-check up mo muna yung ubo at kati ng lalamunan mo. Pa-swab test muna. Baka kung ano na yan, the,” sey ni Ogie.

Nagpasaring din siyang tila ang naturang vlogger ang miyembro ng NPA.

“Si bakla, detalyado nyang naikwento ang galawan sa bundok ng NPA. Ang nakarating sa akin, galing na pala siya dun. Na-shock nga ako sa kwento sa akin, kalokah,” sambit ng talent manager.

Pinabulaanan din niya na dahil sa pera kaya nag-guest si Liza sa online seminar.

“Me “money involved” daw ba yung guesting ng alaga ko? Wala po. Ang alam ko, may “money involved” sa mga nagre-redtag sa alaga ko. Monthly daw yan.”

The post Liza Soberano NPA raw: Ogie bumira sa vlogger first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/liza-soberano-npa-raw-ogie-bumira-sa-vlogger/)

Walang komento