Recent Posts

Breaking News

LaMelo, Edwards markado sa NBA Draft

TAGUMPAY ang NBA bubble sa Orlando, walang nag-positive sa coronavirus sa players ng 22 teams na pumasok.

Natapos ang season na tumagal ng 12 buwan, iniuwi ng Los Angeles Lakers ang 2020 championship. Finals MVP ang star nilang si LeBron James.

Papasok ang 2020-2021 season sa pamamagitan ng draft na unang iniskedyul ng June 25, na-postpone ng Oct. 16 pero sa Nov. 18 na itutuloy.

Umpisa ngayong araw hanggang Nov. 16 ay puwede nang magsagawa ng in-person interviews ang teams.

Walang kasing-tunog ng pangalan ni Zion Williamson ngayong taon.

Lumulutang si LaMelo Ball na posibleng maging top pick.

Tulad ng kuya na si Lonzo Ball, elite ball-handler at passer din si 6-foot-7 LaMelo.

Isa pang ikinukonsiderang top prospect si 6-5 Anthony Edwards na high school pa lang ay ikinukumpara na kina Dwyane Wade at Donovan Mitchell.

Nabanggit noon ni commissioner Adam Silver na posibleng magsimula ang susunod na season hanggang January 2021.

The post LaMelo, Edwards markado sa NBA Draft first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lamelo-edwards-markado-sa-nba-draft/)

Walang komento