Recent Posts

Breaking News

Kiefer, Kevin kamador ng NLEX

Mga laro ngayon: (AUF Gym/Clark)
4:00pm — TNT vs. Alaska
6:45pm – Ginebra vs NLEX

BUO ang backcourt duo ng NLEX na sina Kiefer Ravena at Kevin Alas, handa nang pangunahan ang Road Warriors sa kampanya sa PBA restart sa Clark bubble.

Binagabag ng injury (knee) si Alas noong nakaraang season, binuno naman ni Ravena ang FIBA-imposed suspension.

Nai-trade na si Poy Erram sa TNT, sina Kiefer at Kevin na ang pangunahing offensive option ng Road Warriors.

Pero sa estilo ni coach Yeng Guiao, nagagawa niyang pigain ang mga hindi akalaing kakasa. Lahat ng tapikin, palaban.

Kaabang-abang kung paano hinasa ni coach Yeng ang rookies nyang sina Mike Ayonayon at Will McAloney.

Hinog na rin si dating Ateneo power forward Kris Porter, tinawag ni Guiao bilang “steal of the draft” noong 2018 nang malibre pa sa second round (16th overall).

Nanggulat ang Road Warriors noong December nang tawagin bilang third overall si Ayonayon mula PCU. Fifteenth pick naman si McAloney galing EAC.

Napadali ang pasok ng dalawa sa lineup dahil nagdesisyong huwag nang sumama sa bubble sina veterans Larry Fonacier at Cyrus Baguio.

Si Ayonayon ang Finals MVP ng Datu Cup sa MPBL noong nakaraang taon nang ihatid ang San Juan Knights sa titulo.

Halos pareho ang bulto ng katawan nina Porter at McAloney, pareho pang 6-foot-5. Puwede sila sa laro ni JR Quinahan o ni Asi Taulava dati.

Tatasahan ang Road Warriors laban sa Ginebra sa main game mamaya sa AUF gym.

The post Kiefer, Kevin kamador ng NLEX first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kiefer-kevin-kamador-ng-nlex/)

Walang komento