Recent Posts

Breaking News

Kaya nagluwag ng quarantine: COVID bakuna nandiyan na – Duterte

Kinalma ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko at sinabihang huwag matakot madapuan ng COVID-19 dahil mayroon na aniyang medisinang panlaban dito.

Sa kanyang mensahe sa bayan nitong Miyerkoles ng gabi, sinabi ng Pangulo na parating na ang bakuna kontra COVID at mayroon na ring Remdesevir at Avigan na magagamig kay niluwagan na niya ang mga paghihigpit sa ilalim ng ipinaiiral na community quarantine.

Nakabili na aniya ang gobyerno ng Remdesivir na may kamahalan ang halaga pati ng Avigan para sa mga Pilipino.

“O, wag kayong matakot na-COVID kayo. Maghintay lang kayo kay pabilis–pero nandiyan na ang bakuna kaya niluwagan ko na ang ano, lahat ” anang Pangulo.

Ang Remdisivir ay nagkakahalaga ng P3,500 -7,000 na ginagamit sa mga malala ang kontaminasyon sa COVID o kaya ay kritikal habang ang Avigan ay para sa mild COVID cases.

Pero binigyang-diin ng Pangulo na hindi niya bibigyan ng gamot ang mga durugista na matatamaan ng COVID -19.

The post Kaya nagluwag ng quarantine: COVID bakuna nandiyan na - Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kaya-nagluwag-ng-quarantine-covid-bakuna-nandiyan-na-duterte/)

Walang komento