Recent Posts

Breaking News

Kandidata sa Miss Universe PH sapol ng COVID

Umatras na sa Miss Universe Philippines 2020 pageant si Cagayan de Oro representative Vincy Vacalares.

Sa kanyang mahabang Instagram post, inanunsyo ni Vincy na siya’y tinamaan ng COVID-19 kaya’t hindi na makalalahok sa mga aktibidad ng Miss Universe PH.

“With a heavy heart, allow me to break the news to all of you that I tested positive for Covid-19 last October 14,” saad ni Vacalares.

“This means that I will not be able to continue with my journey to the Miss Universe Philippines crown this year.”

Pinaalalahanan din niya ang lahat ng kanyang nakasalamuha na bantayan ang kanilang kalusugan at dasal na hindi nahawaan ng naturang virus.

Sa ngayon ay nagpapagaling sa isang ospital sa Maynila si Vincy.

“I sincerely apologize for what happened. Please be always on the lookout for your health and safety,” ayon sa kandidata.

Sa October 25 na gaganapin ang finale ng naturang beauty pageant.

The post Kandidata sa Miss Universe PH sapol ng COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kandidata-sa-miss-universe-ph-sapol-ng-covid1/)

Walang komento