Recent Posts

Breaking News

Kahit talamak korapsyon sa DPWH: Duterte tiwala pa rin kay Villar

Buo pa rin ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar sa kabila ng pagiging talamak umano ng katiwalian sa hinahawakan nitong ahensiya.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na sa kabila ng isyu ng korapsyon ay nagagawa pa rin ni Secretary Villar ang kanyang trabaho.

Bukod dito, hindi aniya pag-iisipang kurakot ang kalihim dahil mas mayaman ang pamilya nito at mas malaki ang pera kaysa sa pondong nakalaan sa DPWH.

“Full trust and confidence po kay Secretary Villar dahil despite the corruption in DPWH naka-deliver po siya. It helps na mas marami pang pera ang pamilya ni Secretary Villar kaysa sa DPWH,” ani Roque.

Sa kanyang mensahe sa bayan, sinabi ng Pangulo na talamak ang korapsyon sa DPWH mula sa contractors hanggang sa project engineers na may mga ginagawang project ng gobyerno.

Sinabi ni Roque na posibleng paimbestigahan ng Presidente ang mga sangkot sa anomalya sa DPWH pero ang prayoridad ngayon ng gobyerno ay ang katiwalian sa Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.

“Posibleng gawin po iyan pero hayaan na po muna natin iyan dahil sa ngayon po eh nakatutok pa sa PhilHealth ang Presidente,” dagdag ni Roque.

The post Kahit talamak korapsyon sa DPWH: Duterte tiwala pa rin kay Villar first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kahit-talamak-korapsyon-sa-dpwh-duterte-tiwala-pa-rin-kay-villar/)

Walang komento