Recent Posts

Breaking News

Kahit may COVID: Trump nangampanya

Binatikos ng medical community si US President Donald Trump matapos bisitahin ang kanyang mga tagasuporta sa labas ng ospital kung saan siya ginagamot sa coronavirus.

Nakasuot siya ng face mask habang kumakaway mula sa loob ng kanyang bulletproof na sasakyan sa pag-ikot sa labas ng Walter Reed military medical center malapit sa Washington.

Reklamo ng mga eksperto, nilabag ni Trump ang mga public health guideline na nag-oobliga sa mga pasyente na mag-isolate habang ginagamot sa virus, at pinahamak ang kanyang Secret Service protection.

Ani James Phillips, disaster medicine chief mula sa George Washington University, dahil dito, lahat ng kasama ni Trump sa sasakyan ay kailangang mag-quarantine ng 14 araw.

October 2 inanunsyo ni Trump ang pagpositibo niya sa COVID-19 pati na ang asawang si First Lady Melania, wala nang isang buwan bago ang 2020 US presidential election sa Nobyembre.

Maliban sa kanila, tinamaan din ng virus ang top aide ni Trump na si Hope Hicks at campaign manager na si Bill Stepien. (IS)

The post Kahit may COVID: Trump nangampanya first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kahit-may-covid-trump-nangampanya/)

Walang komento