Recent Posts

Breaking News

Jarencio may 13 player sa bubble

Umabot lang sa 13 ang nasa final lineup ni coach Pido Jarencio ng NorthPort.

Hindi na isinama sa Clark bubble si Robert Bolick. Ayaw isugal ng Batang Pier ang sophomore guard, minabuting bigyan ng sapat na panahon para makapag-rehabilitate mula sa torn ACL na nakuha sa Governors Cup noong October ng nakaraang taon.

Inabot ng injury si Bolick sa unang laro nilang magkasama ni Christian Standhardinger na kaka-trade lang noon mula San Miguel Beermen pa ang katapat ng Batang Pier noon.

Wala si Bolick pero naitumba ng Batang Pier ang twice-to-beat NLEX sa quarters bago kinapos sa eventual champion Ginebra sa semis.

Bukod kay Standhardinger, mangunguna sa NorthPort sina veterans Sean Anthony, Kelly Nabong, Kevin Ferrer, Jervy Cruz, Nico Elorde, Jonathan Grey, LA Revilla, Garvo Lanete, Bradwyn Guinto at Paolo Taha.

Isinama rin sina rookies Sean Manganti at Renzo Subido. Eighth pick ng Batang Pier si Manganti mula Adamson noong December, 24th si Subido galing UST.

“Masakit para sa akin not to be there for my teammates, but I have to do what I have to do,” ani Bolick. Siniguro niyang tatapusin ang rehab para makabalik sa susunod na season.

The post Jarencio may 13 player sa bubble first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/jarencio-may-13-player-sa-bubble/)

Walang komento