Recent Posts

Breaking News

Jalalon miss agad ang pamilya

Kabilang sa mga pinakaunang pumasok sa Clark Freeport Economic Zone bubble ng 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020 eliminations noong Oktubre 5 ang Magnolia Hotshots Pambansang Manok.

Kung kaya agad nakadama ng pangungulila ang ilang manlalaro ng team particular si Jiovani ‘Jio’ Jalalon.

“Miss kuna kayo sobra,” bulalas nitong Miyerkoles ng point guard kanyang IG post habang nakahanda nang matulog sa kanyang kuwarto sa Quest Hotel.

“I loveyou ate Skyla” at iloveyou mahal ko & JJ,” magkasunod pa niyang posts.

Mahigit dalawang buwan na mahihiwalay si Jalalon katulad ng iba pang players ng liga habang nasa loob ng bubble sa pagpapatuloy ng naudlot na all-Pinoy conference sa darating na Linggo, Oktubre 11.

The post Jalalon miss agad ang pamilya first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/jalalon-miss-agad-ang-pamilya/)

Walang komento