Recent Posts

Breaking News

Ilang mambabatas suki ng kickback sa DPWH – Lacson

Binanatan ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang ilang mambabatas na kumukubra umano ng kickback mulas sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways galing sa mga kontraktor.

Ayon kay Lacson, ‘open secret’ na umano ang pagkuha ng komisyon o kickback ng mga public official kasama na ang ilang mambabatas sa mga proyekto.

“Officials from the executive and legislative branches who ask for ‘only’ 10 percent are ‘mabait, maginoong kausap,’, and those who demand 20 to 30 percent are ‘matakaw’,” lahad ng senador.

“Those who demand advance payments and renege on their word as ‘balasubas’ and ‘mandurugas’,” aniya pa.

Matatandaan na pinuna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang DPWH dahil sa umano’y malawakang korapsyon sa naturang ahensya na pinamumunuan ni Mark Villar.

Sa naging pagdinig ng 2021 proposed budget ng DPWH, pinuna ni Lacson ang pagtaas ng pondo ng DPWH para sa proyekto tulad ng pagpapatayo ng multi-purpose hall na nagkakahalaga ng P67B.

“The mangled version alone – which contained a pattern of decreased budgets for national projects and increased budgets for local projects – is highly questionable,” saad pa ni Lacson.

The post Ilang mambabatas suki ng kickback sa DPWH - Lacson first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ilang-mambabatas-suki-ng-kickback-sa-dpwh-lacson/)

Walang komento