Recent Posts

Breaking News

Howard nababago sa Disney World

NAKAKA-DEPRESS sa loob ng Disney World bubble, ayon kay Lakers big man Dwight Howard.

Iniisip ng publiko na naka-staycation ang players sa Orlando resort, pero iba kapag nasa loob.

Nasa 90 days na sa ESPN Wide World of Sports Complex ang Lakers, pumasok bago nagsimula ang restart ng July 31.

Los Angeles at Miami ang pinakamatagal, silang dalawa na lang ang naiwan na nagbubuno sa Finals.

“For myself, there has been times where I was depressed about just having to be in the bubble, not being able to see my family, my kids,” anang veteran center. “So, it could be very difficult.”

Doon lang sila, nakakulong. Araw-araw na pareho ang kinakainang restaurant, parehong gym, parehong room, pati pasilyong dinadaanan.

Naglalakad-lakad na lang daw siya, nagbabasa, nakikipag-usap sa mga tao sa loob para hindi masyadong mainip.

Nabawasan ang pagkabagot ni Howard nang dumating ang anak na si David matapos payagan ng NBA ang pamilya at kaibigan ng players na pumasok sa bubble.

Siguro, pampaalis-bagot ni Howard ang pang-iinis kay Denver center Nikola Jokic sa West finals. Hindi naman mukhang depressed si Howard kung alaskahin ang Serbian.

The post Howard nababago sa Disney World first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/howard-nababago-sa-disney-world/)

Walang komento