Recent Posts

Breaking News

Halalan sa POC walang atrasan

TULOY ang Philippine Olympic Committee (POC) election pero wala pang venue ng pagdadausan.

Ayon kay archery chief Atty. Clint Aranas, hindi pa nila alam saan lugar ang botohan.

Si Aranas ang makakalaban ni incumbent POC head Abraham ‘Bambol’ Tolentino ng cycling.

Nagwagi si Tolentino sa isang snap elections noong Hulyo ng 2019, tinalo nito sa POC presidency si Philip Ella Juico ng athletics.

Nagkaroon ng botohan matapos magbitiw ni basketball association chairman Ricky Vargas.

Hinihintay pa ang pahayag ni Tolentino kung saan gagawin ang eleksiyon.

Sa naganap na General Assembly ay hiniling ni Monico Puentevella ng weightlifting na ipagpaliban sa susunod na taon ang POC election dahil may kinakaharap pang problema ang Pilipinas dulot ng coronavirus disease (COVID-19).

Pero matutuloy pa rin ang botohan sa Nobyembre 27.

The post Halalan sa POC walang atrasan first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/halalan-sa-poc-walang-atrasan/)

Walang komento