Recent Posts

Breaking News

GSIS-Cotabato sarado muna

Tigil muna ang physical operations ng Government Service Insurance System (GSIS) sa Cotabato City matapos magpositibo sa COVID-19 ang security guard doon.

Sa isang advisory ngayong Martes, sinabing sarado ang GSIS-Cotabato branch sa Gov. Gutierrez Avenue hanggang Biyernes, Oktubre 9.

Magsasagawa umano ng disinfection at decontamination habang sarado ang dalawang-palapag na gusali, at work from home muna ang kanilang mga empleyado.

Ang nahawang sekyu ay wala anilang travel history sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19.

Gayunman, tinutukoy na ng mga health authority doon ang lugar saan siya nadapuan ng virus.

Samantala, nagsasagawa na umano ng contact tracing habang nasailalim na sa COVID-19 swab test ang mga kapwa-kawani ng security guard at mga tauhan ng GSIS at hinihintay na lang ang mga resulta.

The post GSIS-Cotabato sarado muna first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gsis-cotabato-sarado-muna/)

Walang komento