Recent Posts

Breaking News

Gobyerno sapat COVID response bukod sa mga jobless – SWS

Karamihan sa mga Pilipino, nakikitang “sapat” ang coronavirus response ng gobyernong Duterte, liban na lang sa pagtulong sa mga nawalan ng trabaho habang may pandemya.

Ayon ito sa September 2020 survey ng Social Weather Stations (SWS) na nilabas kagabi.

Napag-alaman sa poll na 71% ng 1,249 adult Filipino respondents ang nagsabing “sapat” ang ginagawa ng gobyerno sa pagpapabatid sa madla kung paano labanan ang COVID-19, sa pagtitiyak ng extensive contact tracing (67%), pati pagsisigurado na may abot-kayang COVID-19 testing (54%).

“However, only 44% believe government actions are adequate on ensuring the provision of adequate help for people who lost their job/livelihood,” ayon sa SWS survey.

Ang nationwide poll ay sinagawa mula Setyembre 17 hanggang 20 gamit ang mobile phone at computer-assisted telephone interviews.

Matatandaang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nasa 3.5 milyong manggagawa na ang nawalan ng trabaho dulot ng coronavirus crisis.

The post Gobyerno sapat COVID response bukod sa mga jobless - SWS first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gobyerno-sapat-covid-response-bukod-sa-mga-jobless-sws/)

Walang komento