Recent Posts

Breaking News

Gobyerno may P397M utang sa SEAG suppliers – PSC

May utang ang gobyerno ng Pilipinas na P387 milyon sa iba’t ibang supplier sa pagdaos ng Southeast Asian (SEA) Games na ginawa sa bansa noong 2019.

Ito ang nabunyag sa pagdinig sa Senado sa panukalang 2021 budget ng Philippine Sports Commission (PSC) at Games and Amusement Board (GAB).

Ayon kay PSC Executive Director Guillermo Iroy, nakakatanggap aniya sila ng demand letter mula sa mga supplier na humihiling na bayaran na ang utang na nagkakahalaga ng P387 milyon.

Hiniling na umano umano ang PSC ang nasabing halaga sa Department of Budget and Management para mabayaran ang mga supplier.

“In fact, there are many too many demand letters we received. In fact, some senators have also received letters from suppliers. We expect that this P387 million will soon be released by the DBM,” sabi ni Iroy.

Sa oras na mailabas na ng DBM ang nasabing halaga, sinabi ni Iroy na kanila agad itong ibibigay sa Southeast Asian Games Organizing Committee, ang organizing committee ng SEA Games, nang sa gayon ay mabayaran ang mga utang sa mga supplier.

Nauna nang sinabi ng organizing committee na aP7.5 bilyon ang gagastusin sa pagho-host ng SEA Games subalit P5 bilyon lang ang inaprubahan sa ilalim ng 2019 General Appropriations Act.

Sabi ni Iroy, nagdagdag ang Office of the President ng P1 bilyon para sa event kaya’t umabot sa p6 bilyo ang pondo para sa SEA Games.

Subalit nang isagawa na ang event, sumobra pa sa inasahan ang mga dumagsang atleta at guest.

The post Gobyerno may P397M utang sa SEAG suppliers – PSC first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gobyerno-may-p397m-utang-sa-seag-suppliers-psc/)

Walang komento