Recent Posts

Breaking News

GMA vs FPJ survey binalikan: Trillanes pinitik Pulse Asia

Duda si dating Senador Antonio Trillanes IV sa inilabas na survey result ng Pulse Asia, kung saan nakakuha ng 91% trust rating si Pangulong Rodrigo Duterte, habang 50% lamang kay Vice President Leni Robredo.

Sa tweet ni Trillanes, pinaalala nito ang naging resulta ng survey noong 2014 ng tatlong polling body kung saan makikitang lamang sa lahat ng resulta si dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo kontra kay Fernando Poe Jr.

“In 2004, the exit survey of SWS showed GMA got 45% while FPJ got 34%. In Pulse’s last survey: GMA, 37%; FPJ, 31%,” ayon kay Trillanes.

Ngunit sa huling pagtatala ng election monitoring watchdog na National Citizen’s Movement for Free Elections (NAMFREL), nakita na lamang si FPJ ng ilang puntos kontra kay GMA.

Pinunto din ni Trillanes kung papaanong nakapagsagawa ng face-to-face survey ang Pulse Asia sa iba’t ibang panig ng Pilipinas gayong limitado ang biyahe dahil sa COVID-19 pandemic.

“Just wondering how Pulse Asia was able to conduct a NATIONWIDE FACE-TO-FACE survey last September when domestic travel is very limited and primarily allowed for LSIs only? Papano, magic carpet ride?” tanong ng dating mambabatas.

The post GMA vs FPJ survey binalikan: Trillanes pinitik Pulse Asia first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gma-vs-fpj-survey-binalikan-trillanes-pinitik-pulse-asia/)

Walang komento