Recent Posts

Breaking News

Gilas nilayasan ni Compton

Tuluyan nang naulila ang Gilas Pilipinas na dapat nang nagsasanay pero nilayasan pa ni assistant coach Alexander ‘Alex’ Compton upang manirahan na sa Estados Unidos dahil sa Covid-19.

Kaya wala nang naiwang coaching staff sa national men’s basketball team na iniwanan ng propesyonal na manlalaro dahil sa 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020 restart sa darating na Linggo sa Clark Freeport Economic Zone.

Wala namang nagawa ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa pag-alis ni Compton dahil hindi naman siya nakontrata tapos ma-aapoint nitong Pebrero.

“We wish him all the best in his future undertakings,” ani SBP special assistant to the president Paul Ryan Gregorio, sa panayam ng Spin.ph sa desisyon ng 46-anyos na Amerikanong isinilang at may 20 taong nainirahan sa Pilipinas.

“He was included in the previous window, but there was no long-term agreement signed by coach Alex and the federation,” wakas na pahayag ni Gregorio.

The post Gilas nilayasan ni Compton first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gilas-nilayasan-ni-compton/)

Walang komento