Recent Posts

Breaking News

FDA: Bakuna sa COVID clinical trial bawal ibenta

Nagpaalala ang Food and Drug Administration na wala pang mabibili na COVID-19 vaccine sa kabila ng pag-apruba ng Vaccine Expert Panel sa clinical trial ng Sinovac sa bansa.

Ayon kay FDA director general Eric Domingo, bago ito ilabas sa merkado ay dapat na pumasa muna ito sa Ethics Board at sa kanilang ahensya.

“We have to remember that vaccines are not registered with FDA. Investigational product pa lang ito, in-eksperimento. Kaya nga tayo nagki-clinical trial kasi pinag-aaralan pa lang natin kung safe at effective ang vaccine,” lahad ni Domingo.

“Iyong pagbebenta ng vaccines na ginagamit sa clinical trial, bawal ‘yan kasi hindi po tayo sigurado kung safe at effective ‘yan,” aniya pa.

Target ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabakunahan ang abot sa 20 milyong Pinoy sa oras na magkaroon na ng panangga kontra sa COVID-19.

The post FDA: Bakuna sa COVID clinical trial bawal ibenta first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/fda-bakuna-sa-covid-clinical-trial-bawal-ibenta/)

Walang komento