Recent Posts

Breaking News

Exponential sasakyan ni Hernandez

PAKAKAWALAN ang 12 tigasing kabayo sa 2020 Philracom Hopeful Stakes Race bukas sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Patuloy ang pagsasagawa ng Philippine Racing Commission ng stakes races upang mabigyang saya ang mga kareristang matagal na naghintay sa pagbabalik aksiyon ng king of sports.

Inaasahang magbibigay ng atensiyon sa mga liyamadista ang kalahok na si Exponential na rerendahan ni star jockey Jonathan Hernandez.

“Maganda ang ginagawa ng Philracom, palaging may malalaking karera at maraming races kaya kahit tuwing Linggo lang ang bakbakan ay masaya at sulit kami,” pahayag ni Antonio Cardilla na taga-Sta. Ana, Maynila.

May distansiyang 1,600 metri ang nasabing event na inisponsoran ng Philracom. Ang ibang kalahok ay sina After Party, Prettiest Star, Sacred Syndicate, Maximum Risk, Batang Dragon, La Republika, Spandau Ballet, Primetime Magic, Bourne Leader, Sweet Spot at Zenaida.

The post Exponential sasakyan ni Hernandez first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/exponential-sasakyan-ni-hernandez/)

Walang komento