Recent Posts

Breaking News

Ex-PhilHealth chief Morales kinasuhan whistleblower

Naghain ng kasong cyberlibel si dating PhilHealth chief Ricardo Morales kontra sa dating anti-fraud officer ng ahensya na si Thorrsson Montes Keith.

Si Keith ang naglantad ng mga anomalya at umano’y korapsyon sa loob ng PhilHealth tulad ng paglustay umano ng P15B sa ilalim ng interim reimbursement fund.

Pinaratangan din ni Thorrsson na nilapitan siya ni Morales para ayusin ang anomalya naman sa mga ‘ghost’ patient sa Wellmed Dialysis Center.

Nagtungo si Morales sa Taguig Regional Trial Court para personal na ihain ang kaso dahil nakaaapekto na umano ang paratang ni Keith sa kalagayan ng kanyang pamilya.

Nagbitiw si Morales sa PhilHealth matapos siyang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumaba sa pwesto dahil sa kanyang lymphoma.

The post Ex-PhilHealth chief Morales kinasuhan whistleblower first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ex-philhealth-chief-morales-kinasuhan-whistleblower/)

Walang komento