Recent Posts

Breaking News

Eala-Kalieva tandem laglag sa girls doubles

Hindi kinapitan ng suwerte si tennis sensation Alex Eala sa girls doubles event matapos mapatalsik sa prestihiyosong 2020 French Open juiniors tournament na ginaganap sa Paris, France.

Nakipagtambalan si world No. 4 seed Eala kay American netter Elvina Kalieva, nabigo sila kina Italian pair Lisa Pigato at Eleonora Alvisi 5-7, 6-2, (7-10) sa first round.

Napahirapan nang todo sina Eala at Kalieva sa huling set ng kanilang labanan kung saan ay nabaon sila sa 3-6 iskor.

Nakaalhon sina Eala at Kalieva matapos maitabla ang iskor sa 6-all.

Pero naging matatag ang Italian duo kaya naman naitakas nila ang panalo at tuluyan nang namaalam sina Eala at Kalieva sa doubles event.

The post Eala-Kalieva tandem laglag sa girls doubles first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/eala-kalieva-tandem-laglag-sa-girls-doubles/)

Walang komento