Recent Posts

Breaking News

Duterte nasa Maynila, magsasalita ngayong Lunes

Inaasahang muling haharap sa publiko si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lunes para sa kanyang regular na mensahe sa bayan at magbibigay ng update kaugnay sa mga ginagawa ng gobyerno sa paglaban at pagtugon sa COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nasa Metro Manila ang Pangulo at gagawin ang kanyang mensahe sa bayan pagkatapos ng kanyang pakikipagpulong sa ilang gabinete na miyembro rin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

“Nasa Manila po, hindi po umalis ang ating Presidente, mamaya po matutuloy ang kanyang mensahe sa taong bayan,” ani Roque.

Sinabi ng kalihim na dadalo din siya sa pulong sa Malacañang pagdating sa Manila mula sa kanyang weekend getaway sa Boracay.

Sa Boracay ginawa ni Roque ang kanyang regular press briefing bilang bahagi ng pag-promote sa isla matapos buksan ang turismo noong October 1.

Matatandaang simula nang ipatupad ang lockdown noong buwan ng Marso ay naging regular na ang mensahe sa bayan ng Presidente tuwing Lunes para maiparating sa sambayanan ang mga ginagawang aksiyon ng gobyerno laban sa pandemya.

Kabilang na dito ang update mula sa Department of Health (DOH), ang mga aksiyon ng National Task Force on COVID-19 gaya ng testing, tracing, treatment at isolation sa mga Pilipinong tinamaaan ng coronavirus. (Aileen Taliping)

The post Duterte nasa Maynila, magsasalita ngayong Lunes first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-nasa-maynila-magsasalita-ngayong-lunes/)

1 komento:

  1. Covid-19 punition divine Rodrigo Duterte et aux philippins de se convertir à l'islam le 5.10.2020 pour éviter la mort par Covid-19 les virus fort séisme tsunami volcan typhon les inondations les foudres les tornades les incendies et les météorites.

    TumugonI-delete