Recent Posts

Breaking News

Duterte nakahanap na ng pambili, lahat ng mga Pinoy babakunahan

Makakaasa ang lahat ng 113 milyong Pilipino na makikinabang sa bakuna kontra COVID-19 sa sandaling mayroon nang gamot na makukuha ang bansa.

Ito ang tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mensahe sa bayan nitong Miyerkules ng gabi kasabay ang pagtiyak na mayroon na siyang nahanap na pambili ng vaccine kontra COVID.

Maghahanap na lamang aniya siya ng dagdag na pondo para mabakunahan ang lahat ng 133 milyong Pilipino.

“This I can assure you again na nakahanap na ako ng pera. I have the money already for the vaccine but hahanap pa ako ng maraming pera because you kniw there are now 113 million Filipinos,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na walang malalampasan sa bakuna para may panlaban sa bagsik ng COVID 19.

“All should have the vaccine without exception. Lahat, para mayroon kayong lifetime–whatever, but it can provide immunity. Panlaban ho yung antibody, yung armor mo, yung sundalo mo sa katawan mo malabanan siya,” dagdag ng Pangulo.

Prayoridad aniya ang mga pinaka-mahihirap na mga Pilipino at ito ay ibabase sa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na mayroong ilang milyong mga benepisyaryo .

“Ang mauna ang mga mahihirap na walang pera, hindi makabayad. Ang listahan yung doon sa Pantawid . May listahan yan, yon ang sundin,” wika ng Pangulo.

Nais din ni Pangulong Duterte na isama sa first batch ng mga mababakunahan ang mga sundalo at pulis dahil sila ang nangangalaga aniya sa seguridad ng bansa kaya dapat malusog ang mga ito.(Aileen Taliping)

The post Duterte nakahanap na ng pambili, lahat ng mga Pinoy babakunahan first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-nakahanap-na-ng-pambili-lahat-ng-mga-pinoy-babakunahan/)

Walang komento