Recent Posts

Breaking News

Duterte hangad gumaling kaibigang si Trump – Roque

Hangad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mabilis na paggaling nina United States President Donald Trump at First Lady Melania Trump mula sa COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na malapit na magkaibigan sina Duterte at Trump at umaasa siya sa mabilis na paggaling nito mula sa COVID-19, pati na rin ang kabiyak na si Melania.

“Alam n’yo po, malapit na magkaibigan ang ating Presidente at si President Trump, at ang mensahe po ng Presidente, he wishes President Trump and his wife, First Lady Melania a full and speedy recovery,” ani Roque.

Nakalabas na sa Walter Reed Medical Center si Trump sa kabila ng pahayag ng mga doktor nito na mabilis ang progreso ng kanyang sintomas sa COVID-19.

Sa halip manatili sa ospital, binigyan umano ang US President ng “powerful” steroid para labanan ang kanyang kontaminasyon sa COVID-19. (Aileen Taliping)

The post Duterte hangad gumaling kaibigang si Trump - Roque first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-hangad-gumaling-kaibigang-si-trump-roque/)

Walang komento