Recent Posts

Breaking News

Duncan solido ang ayuda kay Butler

Nakakuha ng solidong suporta si Jimmy Butler at ang Miami Heat kay Duncan Robinson sa Game 5 ng 2020 NBA Finals laban sa Los Angeles Lakers kahapon.

Sa lampas 37 minutong paglalaro, pasabog si Robinson ng 26 marka sa likod ng 7-of-13 shooting sa three-point area.

Nagdagdag pa ito ng limang board, tatlong assist at isang agaw sa 111-108 victory ng Miami, na idinikit sa 2-3 ang best of seven series sa Lakers.

Game 6 bukas, Lunes sa Pilipinas.

Umulit ng triple double si Butler – 35 points, 12 rebounds at 11 assists – para panatilihing buhay ang pag-asa ng Miami sa korona.

The post Duncan solido ang ayuda kay Butler first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duncan-solido-ang-ayuda-kay-butler/)

Walang komento