Recent Posts

Breaking News

Dragic susubok muli sa Game 5

Win or go home ang Miami sa Game 5 ng NBA Finals ngayon, nahaharap sa elimination sa unang pagkakataon sa playoffs sa Orlando bubble.

Lahat ng mahawakan na puwedeng ibato ay ipupukol ni coach Erik Spoelstra, pero may isang piyesa na mukhang malabo pang mapakinabangan.

Si Goran Dragic.

Sinubukan ni Dragic ang injured foot sa warmup bago ang Game 4 pero hindi kuntento sa galaw kaya naupo na lang.

Talo ang Heat 102-96 at inilayo ng Lakers ang series lead sa 3-1.

Kuwestiyonable pa rin si Dragic sa Game 5, kung kailan must-win ang team para humirit ng Game 6 sa Lunes.

“Goran Dragic is listed as doubtful for Game 5 on this everning’s injury report,” tweet ni Malika Andrews ng ESPN.

Nakabalik sa Game 4 si Bam Adebayo mula sa dalawang larong pagliban dahil sa neck strain, nakapag-deliver ng 15 points at 7 rebounds pero kinapos ang Heat.

Si rookie Kendrick Nunn ang inaasahang pupuno sa kakulangan ng Miami, kasama ang kapwa-newbie ding si Tyler Herro na aayuda kay Jimmy Butler.

Sakaling makabalik si Dragic, hindi masigurado kung makakagawa din ng impact sa siguradong limitadong minuto. Kailangan ng Heat na manalo.

The post Dragic susubok muli sa Game 5 first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dragic-susubok-muli-sa-game-5/)

Walang komento