Recent Posts

Breaking News

Djokovic saludo sa mga wheelchair netter

Bago sumalang sa semifinals match ng 124th French Open 2020 men’s singles event sa Roland Garros Stadium sa Paris si Novak Djokovic, nanood muna siya nang hambalusan sa wheelchair tennis.

Ipinost pa ito ng 33-year-old, 6-foot-2 Serbian netter sa kanyang instagram account.

“Such an admiration for wheelchair tennis players. Truly inspiring to see then battle on the tennis court,” anang tenistang residente na sa Monaco.

Humanga ang Serbian sa mga manlalaro ng wheelchair tennis na mga differently-abled natter, dinagdag pang hindi madali ang ginagawa ng mga ito.

Pinanapos na pahayag ni Djokovic, “How do they move the wheels, turn and hit the ball at the same time! Truly amazing! (Sarah Jireh Asido)

The post Djokovic saludo sa mga wheelchair netter first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/djokovic-saludo-sa-mga-wheelchair-netter/)

Walang komento