Recent Posts

Breaking News

Davis magpapataas ng presyo sa Lakers

BIBITAW daw si Anthony Davis sa final season ng kanyang kontrata sa Lakers.

Pero walang balak maghanap ng ibang team ang big man,

Ayon sa ulat ng The Athletic, kakalas si Davis sa kanyang $28.7 million player option pero muling pipirma ng panibagong kontrata para manatili sa Los Angeles.

Tinulungan ni Davis si LeBron James at ang Lakers para sikwating ang pang-17 NBA title sa Orlando bubble. Itinumba nila ang Miami Heat 4-2 sa Finals.

Nag-average si AD ng 26. 1 points, 9.3 rebounds, 3.2 assists, 2.3 blocks at 1.5 steals sa una niyang season sa LA.

Nakuha na ang una niyang ring, mukhang nagbabalak pa ang 27-year-old na mangolekta ng mas marami pa. At mapapadali ‘yun kapag hindi siya nakipaghiwalay kay LeBron.

Sa edad 35, marami pang laman ang tangke ni James pagkatapos idagdag sa kanyang koleksiyon ang pang-apat na ring at pang-apat ding Finals MVP award.

Matapos itaas ang Larry O’Brien Trophy, nabanggit ni Davis na wala pa siyang ideya kung paano haharapin ang offseason isa rito ang kanyang player option.

Nagkakalinaw nang wala pa siyang balak mag-impake para umalis ng LA

The post Davis magpapataas ng presyo sa Lakers first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/davis-magpapataas-ng-presyo-sa-lakers/)

Walang komento