Recent Posts

Breaking News

COVID vaccine trial sa PH sisimulan sa Nobyembre – DOH

Inanunsiyo ng Department of Health (DOH) kahapon na uumpisahan ang Phase 3 ng mga vaccine trial para sa sakit na COVID-19 sa Nobyembre.

“The Inter-Agency Task Force’s (IATF) Sub-Technical Working Group (sub-TWG) on COVID-19 Vaccine Development led by the Department of Science and Technology (DOST), together with other government agencies, is gearing up for the conduct COVID-19 vaccine phase 3 clinical trials in the country which are set to begin this coming November,” wika ng DOH, Oktubre 10.

Sa Phase 3 ng mga clinical trial, libu-libong pasyente ang tuturukan ng COVID-19 shots para masuri ang kaligtasan at pagiging epektibo ng mga ito.

Tatlong vaccine manufacturer na ang nagpahayag ng kagustuhang magsimula ng mga clinical trial sa ating bansa: ito’y ang Gamaleya Research Institute ng Russia na gumawa ng Sputnik V vaccine, ang Janssen Pharmaceutica ng medical giant Johnson and Johnson, at ang Sinovac Biotech Co. Ltd. ng China.

Hindi pa nilalahag ng DOH kung ang mga natukoy na kompanya ay pumasa na sa mga standard para magpatuloy sa test.

Dahil ang mga naturang trial ay isang “scientific research at development initiative,” ang Department of Science and Technology (DOST) ang mamumuno sa sub-TWG ng IATF.

Kabilang din dito ang Department of Foreign Affairs (DFA) na makikipag-ugnayan sa bilateral partnerships para sa bakuna; ang Department of Trade and Industry (DTI) at National Development Company (NDC) na hahanap ng posibleng local production; ang DOH na pangangasiwaan ang mga kalahok na ospital; at ang Food and Drug Administration (FDA) na aapruba ng alinmang bakuna na ibebenta sa madla.

Wika ni DOH Secretary Francisco Duque III, bagaman kinikilala nila ang agarang pangangailangan ng mga trial ay lagi umano nilang uunahin ang kaligtasan ng lahat ng mga lalahok sa clinical trials.

The post COVID vaccine trial sa PH sisimulan sa Nobyembre - DOH first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-vaccine-trial-sa-ph-sisimulan-sa-nobyembre-doh/)

Walang komento