Recent Posts

Breaking News

COVID-positive sa ‘Pinas 348K na

Pumalo na sa 348,698 ang kabuuang bilang ng mga COVID-19 case sa Pilipinas, matapos maitala ang 2,261 bagong kaso ngayong hapon.

Kabilang dito ang 48,040 aktibong kaso.

Ayon din sa Department of Health (DOH), Oktubre 15, 2020, nadagdagan ng 50 ang bilang ng mga namatay habang may 385 pang gumaling mula sa naturang nakahahawang sakit.

Dahil dito, 294,161 na ang mga coronavirus survivor habang 6,497 na ang virus death toll sa bansa.

Hindi pa kasama sa mga nabanggit ang mga datos mula sa 14 testing laboratory na bigong magbigay ng kanilang data sa takdang oras.

The post COVID-positive sa 'Pinas 348K na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-positive-sa-pinas-348k-na/)

Walang komento