Recent Posts

Breaking News

COVID-positive sa PH 326K na

Pumalo na sa 326,833 ang kabuuang bilang ng mga COVID-19 case sa Pilipinas, matapos maitala ang 2,093 bagong kaso ngayong hapon.

Kabilang dito ang 47,655 aktibong kaso.

Ayon din sa Department of Health (DOH) ngayong Martes, Oktubre 6, nadagdagan ng 25 ang bilang ng mga namatay habang may 209 pang gumaling mula sa naturang nakahahawang sakit.

Dahil dito, 273,313 na ang mga coronavirus survivor habang 5,865 na ang virus death toll sa ating bansa.

The post COVID-positive sa PH 326K na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-positive-sa-ph-326k-na/)

Walang komento