Recent Posts

Breaking News

Course hindi na raw uso: Imee Marcos nag-sorry sa mga DevCom graduate

Humingi ng paumanhin si Senadora Imee Marcos matapos siyang banatan ng mga graduate at practitioner ng Development Communication (DevCom).

“Nagpapaumanhin lang ako. Ang init init na ng ulo namin noon,” tugon ni Marcos nang hingin ang kanyang reaksyon sa kanyang patama sa DevCom.

Sa naging pagdinig sa Senado, kinuwestiyon ni Marcos si Philippine Information Agency (PIA) director general Ramon Cualoping tungkol sa nilaang pondo para sa DevCom program.

Dito sinabi ni Marcos na ‘cute’ at hindi na uso ang nasabing pag-aaral.

“Devcom, even as a subject taught in universities, has been largely debunked. Hindi na siya uso eh. Wala na ngang course ‘yan sa iba’t ibang eskwelahan,” lahad ni Marcos.

The post Course hindi na raw uso: Imee Marcos nag-sorry sa mga DevCom graduate first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/course-hindi-na-raw-uso-imee-marcos-nag-sorry-sa-mga-devcom-graduate/)

Walang komento